ICT and Women's Activism in Asia - notes

Pagtatayo ng electronic network ng mga kababaihang aktibista sa Asya at Hapon: ang karanasan ng fem-net at vaww-net


in other languages | Japanese | English |

Pagbati!

Ako si Machiko Tomomasa, and tagapamahala ng Asia Japan Women's Resource Center sa bansang Hapon. Ang Asia Japan Women's Resource Center ay itinatag noong Abril 1995 pagkatapos nitong manahin ang dalawampung taon ng aktibismo ng mga kababaihan ng Asian Women's Association.

Kasama ang higit na siyam na raang mga kasapi sa loob at labas ng bansang Hapon ay nagtatrabaho kami upang bigyang katuparan ang pananaw ng isang alternatibong hinaharap batay sa pandaigdigang pananaw ng mga kababaihan, kapaligiran, ng Asya at ng mga grupong grassroots.

Ngayon ay nais kong talakayin ang fem-net at vaww-net.

Para sa mga kababaihang Hapon na katulad namin na nasa grassroots, napakahalaga ng pagkakamit namin ng burador ng Platform of Action mula sa APC network bago magkaroon ng Beijing Conference. Naging daan ito para maisalin sa aming wika ang burador at marinig ang aming mga tinig.

Pagkatapos ng aking mga karanasan sa Beijing ay naunawaan ko ang kahalagahan ng pagtatatag ng electronic network para sa kilusan ng mga kababaihang Hapones. Pagkatapos ng ilang konsultasyon sa ilang aktibistang kababaihan ay nalaman kong hindi sila marunong gumamit at wala ring computer.

Mabuti na lang at ang mga taong tumulong sa aming makakuha ng burador ng Platform for action ay nasa proseso rin ng pagtatayo ng electronic network. Tinulungan nila kaming magkaroon ng pagsasanay sa host computer at paghahanda para sa Fem-net.

Kasalukuyan, ang Fem-net ay may siyamnapung subscribers. Ang mga kababaihang Hapones na nakatira sa ibang bansa tulad ng Olandia, Estados Unidos ay naka-subscribe dito. Kami ngayon ay nagpaplanong pag-ibayuhin pa ang aming balangkas para maka-angkop sa aming isang taong karanasan.

Ako mismo ay natuto tungkol sa mga mailing lists at electronic conferences sa aking pamamahala sa Fem-net. Aking ninanais na sana'y lalo pang lumaganap ang kasapian at komunidad nito.

Ito naman ang kanasan namin sa vaww-net. Noong Nobyembre 1997, kasama ng ASCENT, ay nagkaroon kami ng international conference na pinamagatang, "Violence against women in war and conflict situation". Dito rin namin nakuha ang acronym na "vaww".

Limampung mga kababaihang dalubhasa ang nagtipun-tipon para sa kumperensiyang ito. Bawat isa ay naglahad ng kanilang mga karanasan at pinag-usapan ang mga posibleng katugunan sa mga kasong ito. Tinipon namin ito sa isang papel na tinatawag na "Tokyo Declaration". Makahulugan ang pangyayaring ito dahil nailabas namin ang mga kaso dito sa Asya.

Napagkaisahan sa kumperensiyang ito ang pag-oorganisa sa aming mga sarili bilang isang network na tutugon sa mga isyu ng karahasan laban sa mga kababaihan sa mga sitwasyon ng digma at armadong tunggalian. Kaya sinimulan namin ang mailing list na naging daluyan ng aming palitan ng impormasyon at pananaw. Ito ay nakakonekta sa APC (Association of Progressive Communications) network conference na "women vaw" at pinupuntahan ng maraming kababaihan sa mundo.

Para mapasakamay ng mga kababaihan ang ikadalawampu't-isang siglo, dapat tayong magpaunlad ng alternatibong pananaw at pamumuhay. Ang globalisasyong ekonomiko ay dapat tapatan natin ng globalisasyon ng mithiin ng pamumuhay at pakiki-isa sa mga kababaihan.

Ang tanong ngayon ay paano tayo lilikha ng isang global network ng mga kababaihang grass roots lalo na sa Asya.

Sa tingin ko ay malaki ang magiging papel ng mga resource centers ng mga kababaihan. Ang pagpapaunlad ng electronic network na maaring ibahagi sa maraming kababaihan sa grassroots ay mabisang gamit sa networking para maisakatuparan ang ating mithiin. Umaasa ako na ang ating palitan ngayon dito ang maging simula nito.

Maraming salamat.


Machiko Tomomasa
Coordinator of Asia Japan Resource Center
Japan


other languages | Japanese | English |

AWORC search demo -- Index information

   Unique ID              : jcanetaworc980721a_ta
   Subject                : Paksa
   Physical type          : Materyal
   Language               : ta
   Title                  : Pagtatayo ng electronic network ng mga kababaihang 
                            aktibista sa Asya at Hapon: ang karanasan ng fem-net 
                            at vaww-net
   Author, organization   : Machiko TOMOMASA, Asia-Japan Women's Resource Center
   Date of publication    : 1998.04.22
   Geographical coverage  : Hapon, Asya
   Keyword                : Kilusan ng mga kababaihan
   Online location        : http://www.jca.ax.apc.org/aworc/ict/notes/ajwrc9807ta.html


back to AWORC home (English only)